Itchyworms Lyrics | "Di Na Muli" lyrics

Itchyworms Lyrics | “Di Na Muli” lyrics
Nung araw kay tamis ng ating buhay
Puno ng saya at ng kulay
Di mauulit muli
Ang oras kapag hinayaang lumipas
Madarama mo hanggang bukas
Di mababawi muliAng dami daming bagay na hindi naman kailangan
Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan
Hindi mo lang alam hindi mo pa nararanasan
Kahapon sana natin di mo na pinahirapanPatawad muli
Di na muli
Ang oras kapag hinayaang lumipas
Madarama mo hanggang bukas
Di mababawi muli
At natapos ang himas ng sandali
Di kukubli aking tinig
Nang lumipas na’t di man lang nasabi
Salamat hanggang sa muli
Ang dami daming bagay na hindi naman kailangan
Kung pwede lang bawasan natin ang mga tampuhan
Hindi mo lang alam hindi mo pa nararanasan
Kahapon sana natin di mo na pinahirapan
Patawad muli
Di na muli
Binawi buhay mo ng walang sabi
Binubulong ko sa sarili
Mahal kita hanggang sa huli (di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli (di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli (di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli (di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli (di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli (di na muli)
Mahal ko hanggang sa huli (di na muli)
Mahal ko hanggang sa muli

Leave a Reply

Your email address will not be published.