Ako po’y karaniwang tao lamang
Kayod-kabayo, ‘yan ang alam
Karaniwang hanap-buhay
Karaniwan ang problema
Pagkain, damit at tirahan
‘Di ko kabisado ‘yang siyensya
Ako’y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na itong planeta’y
Walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira, sino ang kawawa
Chorus
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan
Karaniwang bagay ay ‘di pansin
Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura ngayo’y bundok
Kotseng sira ay umuusok
Sabong panlaba’y pumapatay sa ilog
May lason na galing sa industriya
Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit ‘di lamang higante
Ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin
[Repeat chorus twice]
Karaniwang tao [4x]
[Repeat chorus]
Karaniwang tao
[Repeat till fade]