Syd Hartha – Ayaw Lyrics

Hindi ako asong sunod-sunuran
Panay lamang oo
Anong tingin mo sa sarili mo?
Hindi ako papel na blangko
Sulat-sulatan kung kailan mo gusto
Anong tingin mo sa sarili mo?

‘Di lahat ng gusto dapat masunod
‘Di lahat ng hiling dapat matupad
Ngunit natalo ako sa kanyang lakas
Matagal kong kapit sa sarili ay pumipigtas

‘Pag sinabi kong ayaw
Ayaw ko talaga
‘Di ako nagpapapilit
Masyadong mahigpit ang kapit niya
Ba’t pinapatawad pa nila
Ako pa raw ang may pakana
Epekto raw ng serbesa
Ako pa rin ang may

Wala akong sinabing oo
Wala rin sa galaw at kilos ko
Anong laman ng isipan mo?
Nagiging agresibo sa ‘king paghina
Lumalakas loob mo
Ako pa rin ba ang puno’t dulo nito?

‘Di lahat ng gusto dapat masunod
‘Di lahat ng hiling dapat matupad
Ngunit natalo ako sa kanyang lakas
Matagal kong kapit sa sarili ay pumipigtas

‘Pag sinabi kong ayaw
Ayaw ko talaga
‘Di ako nagpapapilit
Masyadong mahigpit ang kapit niya
Ba’t pinapatawad pa nila
Ako pa raw ang may pakana
Epekto raw ng serbesa
Ako pa rin ang may

La la la…

Nagiging agresibo sa ‘king paghina
Lumalakas loob mo
Ako pa rin ba ang puno’t dulo nito?

‘Di lahat ng gusto dapat masunod
‘Di lahat ng hiling dapat matupad
Ngunit natalo ako sa kanyang lakas
Matagal kong kapit sa sarili ay pumipigtas

‘Pag sinabi kong ayaw
Ayaw ko talaga
‘Di ako nagpapapilit
Masyadong mahigpit ang kapit niya
Ba’t pinapatawad pa nila
Ako pa raw ang may pakana
Epekto raw ng serbesa
Ako pa rin…
‘Pag sinabi kong ayaw
Ayaw ko talaga
‘Di ako nagpapapilit
Masyadong mahigpit ang kapit niya
Ba’t pinapatawad pa nila
Ako pa raw ang may pakana
Epekto raw ng serbesa
Ako pa rin ang may
Pakana

Leave a Comment