Hambog Ng Sagpro Crew – Alaala Nalang lyrics

[Verse1]
Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal
Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at maykapal
Alam ko din akoy magtatagal sa lugar na ito
Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako
Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon
Tayo ay ‘di magkikita makakaya ko ba ‘yun?
Sa tingin ko hindi, hindi ko kaya
Dahil ako’y mamamatay kapag wala ka, wala ka
Na dito sa aking tabi kaya ‘di na mapigil
Ang luha
Gusto kitang makapiling, mayakap, mahalikan
Ngunit yun ang di ko pa makuha
Dahil ilang kilometro at milya
Ang distansya at ating pagitan
Pangungulila ko sayo yan ang resulta ng aking
Biglaang paglisan
Hindi ito madali sa’yo
Ngunit mas hindi madali ‘to para sa’kin
Nadarama ang lungkot at puot, hinagpis at ang pagkabigo at pasakit
Ngunit gaano kaman kalayo
Sa aking puso dito ay lagi kang malapit
[Chorus]
Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo
Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap
Na ako’y hindi bigo
Ngunit ‘di ko rin inaasahang mangyayari ‘to
Kung ikaw ay alaala na lang
Paano na ako?
[Verse2]
Binibilang ang mga araw
Hanggang sa’king pag-alis
Habang palapit ng palapit
Lalo akong nagtitiis
At tinatago nag namumuong lungkot sa’king damdamin
‘Di mo lang alam
‘Di ko na kaya
‘Di ko lang maamin
Dahil sabi mo sa akin masaya ka
Para sa’kin
‘Di mo lan alam ako’y nalulungkot
Na para sa’tin
Dahil tayo’y magkakalayo ng walang kalabanlaban
Ang masakit pa doon kung kailan pa tayo
Nagmamahalan, nagmahalan
Tayong dalawa
Ngunit bakit ito naging plano?
Ng kapalarang naging malupit
Ako’y inilayo sa’yo ng eroplano
Habang ako’y nasa himpapawid
Ako’y nakatingin sa alapaap
At iniisip na sa alala nalang ba muling makakayakap
At sa gabi naktitig sa mga larawan
Na katabi ko sa aking kama
At tinatanong
Dito nalang ba tayo magkakasama?
Nasa malayo na ang aking katawang tao
At parang pinipilas dahil puso ko’y naiwan dyan sa
Pilipinas
[Chorus]
Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo
Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap
Na ako’y hindi bigo
Ngunit ‘di ko rin inaasahang mangyayari ‘to
Kung ikaw ay alaala na lang
Paano na ako?
[Verse3]
Ang pilitin kong sa buhay ko ay wala siya
Ay parang pilit sinusuot singsing na hindi kasya
Dahil habang pinipilit mas sumasakit ng todo kaya
Buhay ko ay parang musikang wala sa tono
‘Di ba pwede naman magsama ang nagmamahalan?
‘Di ba pwede naman wala nalang ding hiwalayan?
Sa pag-ibig walang hadlang at pwede ba
Siya ay ibalik na lang
Walang matarik na bundok
Walang karagatang na malalim
Na aking tatawirin maibalik ka lang
Sa akin
Dahilan kung ba’t nabuhay sa’kin ang pagkasawi
Ay ang pag-ibig nating nasa tama
Nasa oras namali
At sana ‘wag mong kalimutan dyan sa puso mo
Ang pangalan ng lalaki na nag sabi na
“mahal kita paalam at mag-ingat ka palagi”
Noong aalis na siya at higit sa lahat
“mamimiss kita”
[Chorus]
Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo
Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap
Na ako’y hindi bigo
Ngunit ‘di ko rin inaasahang mangyayari ‘to
Kung ikaw ay alaala na lang
Paano na ako?
[Verse4]
Paano na ko mamumuhay nito
Kung sa piling ko ay wala
Nagiisang minamahal ko
Ang makasama ko siya ay isa nalang
Bang himala
Alam ko na sa oras na ‘to ay nakikinig ka
Pinipigil mo ang pag-iyak
Sige ilabas mo ‘wag pigilin ang emosyon
Ng iyong puso na nagkabiyak
Dahil ang alaala nating dalawa ay nag-iwan ng
Sugat na nakamarka
Sino ba naman ang hindi masasaktan
Kapag nalayo ang tao na mahal ka
At kung minsan naisip ko din na
Wag ng ituloy itong nagawa ko na kanta
Dahil malamang pag narinig ko ito sigurado
Na maaalala kita
Pero kahit piliting umiwas sa sitwasyon natin
Ay kusang bumbalik ang mga nakaraan
Kaya titulo ng kanta ko ngayon ay ALAALA NA LANG
Dahil alaala na lang ang umiikot sa aking isipan
Na nalilito
At presensya ng pagmamahal ko sa’yo
Ay dala ko at laging naririto
Hindi man kita nabigyan ng materyal
Pero alam mo may iniwan ako
Ito ay isang bagay na di maluluma
‘Yun ang pagmamahal ko sa iyo
Sana ay pagkaingatan mo yan
Hanggang sa oras na ika’y
Muli kong balikan
Dahil pinangako ‘di na muling iibig
Sa puso ko’y ‘di ka mapapalitan

Leave a Comment